Saturday, July 29, 2006

chairs

Nakaupo ako sa isang mataas at maitim na silya
Nakikinig
Ng mabibilis na tugtog
Nang biglang sumayaw nalang ang akong binti

Nakita kita sa aking isipan
Sa El camino
At tayong
Dalawa
Ang magpakapares

Mainit doon
Masikip kasi si Anna
Ay katabi natin at
Kasayaw ang kanyang nobyo

Kuhang-kuha mo ang tono
At ako naman
Ay pilit nakikisabay

Hinila mo ang
Aking kamay
Na dati sanang kung saan saan
Nakakarating sa katawan mo
At inilagay sa iyong baywang

Nagkalapit ang iyong
Tiyan sa akin
At nagtinginan tayong dalawa

Mabilis pa rin ang tugtog
Pero ang nasa palibot ko ay
Parang tumigil nang gumalaw
Habang tayo
Ay nasa gitna
At nagtitigan.



No comments: